A Piece of Me

This is a personal blog. I post here things about my life and thoughts that passed through my mind. I reblog a lot, sometimes too often, but nah, I like a lot of things that I see. :p
Karma is a bitch, and sometimes, so am I.
-Maggie Mae ♥

The MMC Experience

Gusto ko lang i-blog dahil gusto ko maalala ang naging experience ko sa Makati Medical Center, nung una at sana ay huling pagkakataon na inoperahan ako.

January 28, 2012

Around 7pm, sumakit ang tiyan ko, since tolerable pa ang pain, natulog na lang ako, tapos nagising ng mga bandang 11pm. That time, sobrang sakit na talaga, umiiyak na ako dahil sa sakit. Kaya dinala na ako sa ospital. Una dito lang sa malapit samin, kasi sobrang late na, mahirap bumyahe. Pero dahil walang ospital na pwede mag-accommodate sa oras na yun, at due to health card conflicts, dumeretso na kami sa MMC (Makati Medical Center).

January 29, 2012

Inumaga na ako sa ER, kasi may mga test pa at may Doctors na pumupunta sakin para i-examine ako. Ang dami ng mga doctor na nagpunta para mag-check, lahat sila madaming tanong at madaming ginagawa sakin, pinapaikot, pinapataas ang paa at tuhod ko, at pinipindot yun tiyan ko. 1 Physician at 3 Surgeon yata ang pumunta sakin niyan, hindi ko na din maalala masyado.

Ito yun kamay ko, around a minute or two after ilagay yung IV. Natakot ako, kasi naka-umbok talaga yun needle-like na pinasok underneath my skin. Katakot tingnan, katakot igalaw.

After around 7 hours yata of series of tests (urine, blood, pregnancy, ovaries, etc.) from ER to OB-GYN, ruled out na yun diagnosis sakin, Appendicitis nga. It was 10am, nung binalikan ako sa RR (Recovery Room) ng OB-GYN nun lead surgeon, si Doctor Tubera or Doc Tubs para mas cool. Hehe. Anyway, ganito ang pagkakasabi niya sakin.

Doc Tubs: Oh. Negative daw sabi ng OB, so mukhang Appendicitis nga yan. Pero okay lang, OR ka na in an hour, okay?

Me: Po? 1 hour?

Doc Tubs: Oo. Natatakot ka ba?

Me: Hehe. Medyo po. *kabado much*

Doc Tubs: Hehe. Okay lang yan, magiging classmate na tayo, wala na din akong appendix.

Me: Hehehe. *dinadaan sa tawa ang kaba* *panic! panic!*

Hindi ako aware sa oras, hindi ko alam kung anong oras natapos ang operation, at kung anong oras na ako dinala sa room ko (room 556). Basta ang alam ko, I was so frustrated dahil hindi ko pa maigalaw masyado ang right leg ko. Naiiyak ako dahil sa frustration, nangangawit na talaga yun binti ko nun, gusto ko na igalaw pero ang hirap. At ito pa, nakadagdag pa sa frustration yun mga taong labas-pasok sa recovery room na yun, tingin kasi ng tingin, nakaka-conscious kaya. :|

Eto ang kadalasan kong position sa kwarto, nakahiga. Pero kahit nung ilang oras makalipas ng operation ko, nung naigagalaw ko na lahat ng parte ng katawan ko, tumatayo-tayo din ako, lalo na kapag pupunta sa banyo. Ang sabi kasi sakin ni Doc Tubs, kailangan ko daw gumalaw-galaw para hindi magkaron ng komplikasyon sa sugat, baka kasi dumikit yun bituka sa sugat…mahirap na, it would mean another operation. Geez, NO! Kaya ako, pinipilit ko talaga maging masigla, bukod lang sa mga oras na sumasakit ang ulo ko at nahihilo din, effect daw yun ng anesthesia kasi. Ang hassle ng ganun na pakiramdam. SWEAR! Kasi kahit nangangawit ka na sa paghiga, wala ka din naman choice kasi sobrang makirot ang ulo mo at umiikot ang paningin mo kapag matagal ka nakatayo, o kahit man lang nakaupo.

February 1, 2012

Anyways, after 4 days and 3 nights na may mga nurses na nag-che-check every few hours at nagpapalit ng IV, mga doktor na nag-che-check din at nangangamusta, mga tagapalit ng sheets at toiletries, mga tagalinis ng kwarto, tagadeliver ng pagkain at tagakuha ng pinagkainan, at hindi ko na nabilang na tanong kung naka-ihi, naka-utot, at naka-dumi na ba ako. LOL. It sounds gross, pero kasi kailangan talaga nila yun itanong, para malaman kung normal na ba ulit galaw ng bituka ko. Haha. Pati nga kung ilan beses na ako naihi at umutot tinatanong nila eh, pati oras. First time in my life na tinandaan ko yung oras at bilang ng ihi at utot ko. LOL.

Ilan sa mga bisita at naging bantay ko. Thank you!! :)

I look like shit in all these pictures, but, the hell I care?! Hindi naman ako artista na kailangan lagi maayos ang itsura eh, and besides, I have a fresh wound na hindi pwede basain kaya hindi ako nakaligo for 3 straight days. Geez. Punas punas lang. Haha.

In fairness, na-enjoy ko ang pagkakaospital ko. HAHA. Sobrang mababait at maaalaga kasi lahat ng mga tao. May bonus pa! Halos lahat sila gwapo at maganda. Ang ganda nila sa paningin, bagay na bagay sa napakagandang ospital. :)

Following
Credits