A Piece of Me

This is a personal blog. I post here things about my life and thoughts that passed through my mind. I reblog a lot, sometimes too often, but nah, I like a lot of things that I see. :p
Karma is a bitch, and sometimes, so am I.
-Maggie Mae ♥

Happy Day! :)

Ang saya makakita ng dating kasama. Lalo na kung naging mabuting kaibigan mo siya nung mga panahon na magkasama kayo.

Nagkita kami ni Ressia kanina sa RS. Sobrang nagkagulatan, tapos biglang tawanan. Hindi ko maipaliwanag pero ang saya lang talaga ng mga sandaling yun. Sandaling kwentuhan at balitaan lang ang nangyari, pero nakakatuwa pa din talaga. Naalala ko kasi bigla yung samahan namin, kaya naman na-miss ko din si Jep. Sa team kasi, kaming tatlo yung talagang naging malapit sa isa’t-isa. Kami kasi yung unang magkakasama. Anyway, kaya siguro ako naaaliw kasi nakakatawa yung naging paalaman namin.

Me: *kasama ko yung boyfriend ko, si Alvin* Sige Ressia, una na kami!

Ressia: Sige, una na kami!

Halos sabay namin sinabi yung “una na kami”, ang nakakatawa dito ay wala naman siyang kasama na iba. Bakit kaya “kami”? Hehe. Nakakatawa lang talaga. Napansin din pala ni Alvin yun at kinuwento niya sakin, natawa na lang kami parehas sa kasabawan ni Ressia.

Following
Credits