Bakit selosa ang mga babae? Simple lang. Dahil mahal ka niya. At dahil sa sobrang pagmamahal niya sa’yo, ayaw niyang may ibang babae na makakaagaw sa’yo. May mga babae lang talaga na super magselos. ‘Yung tipong may lalapit lang na ibang babae sa boyfriend niya eh akala mo’y simula na ng World War III. Meron din namang babaeng, palihim lang magselos. ‘Yung tipong, kinikimkim lang ang galit sa sarili pero deep inside sasabog na sa selos ang puso niya.
— Papa Jack (via beben-eleben)